ACPC, Hinikayat ang Mas Malalim na Kooperasyon ng Rural Banks para sa Mas Malawak na Akses sa Pautang sa Kanayunan | ACPC
Archived: 2026-04-23 17:19
ACPC, Hinikayat ang Mas Malalim na Kooperasyon ng Rural Banks para sa Mas Malawak na Akses sa Pautang sa Kanayunan | ACPC
Toggle Accessibility Statement
Home
Skip to Main Content
Sitemap
Menu
GOVPH
Posted on
March 10, 2026
Hinikayat ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) ang mas malalim na pakikipagtulungan ng mga rural bank upang mapalawak ang akses ng mga magsasaka, mangingisda, at micro and small enterprises (MSEs) sa abot-kayang pautang at iba pang serbisyong pinansyal sa kanayunan.
Ito ang binigyang-diin ni ACPC Executive Director Rallen O. Verdadero sa kanyang presentasyon sa 2026 Annual Management Conference ng Confederation of Central Luzon Rural Banks (CCLRB) na ginaganap ngayong Lunes, Marso 9, sa Pampanga.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Exec. Dir. Verdadero ang kasalukuyang kalagayan ng rural finance sa bansa at ang mga pangunahing programa ng ACPC—ANYO, KAYA, at SURE—na naglalayong palawakin ang akses sa pondo para sa mga sektor ng agrikultura at maliliit na negosyo.
Binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng mga rural bank bilang pangunahing katuwang ng pamahalaan sa paghahatid ng mga serbisyong pinansyal sa mga komunidad sa kanayunan at sa pagsusulong ng inklusíbong pag-unlad at seguridad sa pagkain.
Tinalakay rin ni Exec. Dir. Verdadero ang mga oportunidad para sa mas malalim na pakikipagtulungan sa mga Government Financial Institutions (GFIs) at mga pribadong bangko upang makabuo ng mga makabagong financing schemes na magpapalawak sa akses ng mga magsasaka at mangingisda sa pautang.
Ibinahagi rin niya na kasalukuyang nire-restructure ang ACPC upang maging mas mabilis at mas tumutugon sa pangangailangan ng sektor. Kabilang dito ang planong pagtatatag ng mga opisina sa North Luzon, South Luzon, Visayas, at Mindanao upang mas mapalapit ang mga serbisyo ng ahensya sa mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran.
Ayon kay Exec. Dir. Verdadero:
“Kayo ang may pinakamalakas na posisyon upang tulungan ang mga unbanked at palakasin ang kakayahan ng mga magsasaka at mangingisda.”
“Hindi lamang pautang ang ibinibigay ng rural banks—kayo ang nagbibigay pag-asa at katuwang sa inklusibong pag-unlad sa kanayunan.”
Dumalo rin sa conference ang iba’t ibang institusyon upang magbahagi ng mga update hinggil sa kanilang mga programa at serbisyo. Kabilang dito ang Rural Bankers Association of the Philippines (RBAP), Credit Information Corporation (CIC), at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na nagpresenta ng mga inisyatiba at patakaran kaugnay ng agricultural at MSME lending at mga guidelines on recovery planning for banks, bukod sa iba pa.