Ang pangunahing layunin ng kompetisyon ay ikolekta ang mga pagkakaiba-iba sa kalinangan ng tao sa pandaigdigang malayang ensiklopedyang Wikipedia at ibang mga proyekto ng
Pundasyong Wikimedia
. Nakatuon ang patimpalak sa kalinangang pambayan sa buong mundo, na may partikular na atensyon sa pagsasara sa puwang sa kasarian, habang nakikipagtulungan sa ibang apilyado at pangkat sa buong mundo.
Simula noong 2019, nakapag-organisa na ng isang patimpalak sa iba't ibang wika sa Wikipedia at pinili na ilagay ang proyekto sa meta upang mapahintulot ang mga inter-lingguwal at inter-proyektong kooperasyon, upang pagyamanin ang tunay na pananaw ng pangdaigdigang kilusan ng "wikilove" o "wikipag-ibig." Kailangang tumugma ang mga artikulo sa tema, kahit pista, sayaw, lutuin, o pang-araw-araw na buhay man ito na binibigyan-diin ang kalinangang bayan sa lugar na iyon. Malaya kang pumili ng artikulo mula sa
tala na inihanda sa meta
, o pumili ka ng sarili mong paksa na may kaugnayan sa pangunahing tema at nakatuon sa pagsasara sa puwang sa kasarian. May iba't ibang kahulugan ang hindi nahahawakang pamanang pangkalinangan sa iba't ibang pangkat kaya tinitingnan nito ang pagpapahusay na nilalaman, tinutulungan ang interkultural na diyalogo, at hinihikayat ang paggalang sa isa't isa para sa ibang paraan ng buhay. Naghahatid din ito ng kaalaman sa pagkakaiba-iba ng kalinangan para sa pagkuha ng impormasyon ng mga gumagamit ng mga proyektong Wikimedia.
Nakatuon ngayong taon ang
Peminismo at Tradisyong-pambayan
sa
peminismo
, talambuhay ng mga kababaihan at mga paksang nakatuon sa kasarian para sa proyektong kasama ng Wiki Loves Folklore na nakatuon din sa puwang sa kasarian kasama ang kalinangang pambayang tema sa Wikipedia.
Tradisyong-pambayan
– sa buong mundo, subalit hindi limitado sa
sayawing pambayan
, pistang pambayan,
musikang pambayan
, aktibidad na pambayan, larong pambayan, lutuing pambayan, kasuotang pambayan,
kuwentong bibit
, palabas pambayan, sining pambayan, relihiyong pambayan,
mitolohiya
atbp.
Kababaihan
sa tradisyong-pambayan
– kabilang subalit hindi limitado sa, kababaihan at personalidad na
queer
sa kuwento-bayan o tradisyong-pambayan, kalinangang pambayan
(pambayang alagad ng sining, pambayang mananayaw, pambayang musikero, atleta ng pambayang laro, kababaihan sa mitolohiya, kababaihang mandirigma sa kuwentong-bayan, witch [bruha, mambabarang o maggagaway] at pag-uusig sa witch, kuwentong bibit at marami pa).
Mula Pebrero 1, 2023 00:01 UTC hanggang
Marso 31, 2023 23:59 UTC
Araw at oras sa Pilipinas: Pebrero 1, 2023 08:01 (ng umaga) hanggang
Abril 1, 2023 07:59 (ng umaga)
Pinahaba ang patimpalak hanggang Abril 16, 2023 07:59 (ng umaga, oras sa Pilipinas)
Lumikha o magpalawig ng artikulo na hindi bababa sa 300 salita at 3000 byte.
Hindi dapat awtomatikong isinalin o
machine translated
ang artikulo.
Dapat napalawig o nalikha ang artikulo sa pagitan ng Pebrero 1 at Marso 31.
Dapat nasa loob ng tema ng peminismo at tradisyong-pambayan ang artikulo.
Wala dapat paglabag sa
karapatang-ari
at isyu sa
notabilidad
kailangang may maaasahang sanggunian ang artikulo na hangga't maaari ay hindi bababa sa tatlong (3) at naayon sa mga patakaran ng Wikipedia.
Mga premyo para sa pinakamataas na tagapag-ambag (pinakamaraming artikulo) sa lahat ng edisyong Wikipedia na sumali:
Unang premyo:
– 300
USD
Ikalawang premyo:
– 200 USD
Ikatlong premyo:
– 100 USD
Premyong pampalubag-loob para sa pinakamataas na 10 mananalo:
– 10 USD
Mayroon ding lokal na papremyo sa pinakamaraming nalikhang artikulo sa bawat lokal na proyektong Wiki. Maraming impormasyon pa sa
pahinang proyekto sa meta
Ang premyong ibibigay ay nasa anyong gift voucher/coupon
Maari kang magpatala sa kahit anong oras hanggang Marso 31, 2023.
Lumikha o nagpabuti ka ba ng artikulo sa Wikipediang Tagalog para sa Peminismo at Tradisyong-pambayan? Isumite ang inyong mga kontribusyon sa pamamagitan ng Fountain tool. Maaring magkapagsumite ng kontribusyon mula Pebrero 1 hanggang Marso 31, kasalukuyang taon.
Kung nahihirapan kang magadala sa pamamagitan ng Fountain, paki-ulat ang iyong problema sa
pahinang usapan ng patimpalak na ito
at subukan muli sa ibang pagkakataon. Kung mayroong problema pa rin pagkatapos gawin ito, maari mo siyang itala
dito
US