Wikisource - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pumunta sa nilalaman
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Wikisource
Screenshot ng tahanang-pahina ng wikisource.org gamit ang
Monobook
na skin
Uri ng sayt
Dihital na aklatan
Mga
wikang mayroon
Maramihang-wika (83 aktibong sub-dominyo)
May-ari
Pundasyong Wikimedia
Lumikha
Binubuo ng mga tagagamit
URL
wikisource.org
Pang-komersiyo?
Hindi
Pagrehistro
Opsyonal
Nilunsad
24
Nobyembre 2003
22 taon na'ng nakalipas
2003-11-24
Kasalukuyang kalagayan
Naka-
online
Ang
Wikisource
ay isang
online
na dihital na
aklatan
ng
malayang nilalaman
na pinagmulang teksto na nasa isang
wiki
, na pinapatakbo ng
Pundasyong Wikimedia
. Wikisource ang pangalan ng proyekto bilang kabuuan at ang pangalan ng bawat instansya ng proyektong iyon (kadalasang kinakatawan ang bawat instansya ng ibang
wika
); binubuo ng maraming mga Wikisource ang kabuuang proyekto ng Wikisource. Ang layunin ng proyekto ay i-
host
o ilagay ang lahat ng anyo ng malayang teksto, sa maraming wika, at mga salin. Orihinal na inisip bilang sinupan o arkibo upang iimbak ang kapaki-pakinabang o mahalagang tekstong makasaysayan (ang unang teksto nito ay ang
Déclaration universelle des Droits de l'Homme
), napalawak ito upang magng pangkalahatang-nilalamang aklatan. Opisyal na nagsimula ang proyekto noong Nobyembre 24, 2003 sa ilalim ng pangalang
Project Sourceberg
, isang paglaro sa pangalan ng sikat na Project Gutenberg. Ipinagtibay ang pangalang Wikisource sa kalaunang taon na iyon at nakatanggap ng sariling dominyong pangalan.
Nasa proyekto ang mga gawa na nasa
publikong dominyo
o malayang nakalisensya; propesyunal na nakalathalang mga gawa o sangguniang dokumentong makasaysayan, hindi banidad na mga produkto. Unang ginawa ang beripikasyon sa
offline
, o sa pamamagitan ng pagtitiwala sa pagiging maaasahan ng ibang dihital na aklatan. Ngayon, sinusuportahan ng mga
online scan
ang mga gawa sa pamamagitan ng ProofreadPage
extension
, na sinisiguro ang pagiging maaasahan at katumpakan ng mga teksto ng proyekto.
Ilan sa mga indibiduwal na mga Wikisource, na bawat isa ay kinakatawan ang isang partikular na wika, pinapahintulutan na ngayon ang mga gawa na tinatapatan ng mga
scan
. Habang teksto ang bulto ng mga koleksyon nito, hino-
host
ng Wikisource ang ibang midya, mula
komiks
hanggang
pelikula
hanggang mga aklat na awdyo. May mga ilang Wikisource ang pinapahintulot ang anotasyon na binubuo ng mga tagagamit, na nasa ilalim ng isang partikular na patakaran ng Wikisource na iyon. Nagkaroon ng kritisismo ang proyekto dahil sa kakulangan ng pagiging maaasahan subalit sinisipi ito ng mga organisasyon tulad ng
National Archives and Records Administration
Noong
Abril
2026
, may
83
wika na aktibong sub-dominyo ng Wikisource
na binubuo ang isang kabuuan na
6,804,453
artikulo at
3,796
kamakailang aktibong patnugot.
Mga sanggunian
baguhin
baguhin ang wikitext
MediaWiki
ng
Wikimedia
na
API:Sitematrix
. Hinango noong
Abril
2026
mula sa
Data:Wikipedia statistics/meta.tab
Ayers, Phoebe; Matthews, Charles; Yates, Ben (2008).
How Wikipedia Works
(sa wikang Ingles). No Starch Press. pp.
435–436
ISBN
978-1-59327-176-3
"Transcribe | Citizen Archivist"
(sa wikang Ingles)
. Nakuha noong
4 October
2013
MediaWiki
ng
Wikimedia
na
API:Siteinfo
. Hinango noong
Abril
2026
mula sa
Data:Wikipedia statistics/data.tab
Nagmula sa "
Kategorya
Mga proyekto ng Wikimedia
Nakatagong kategorya:
Sangguniang CS1 sa wikang Ingles (en)
Wikisource
Bagong paksa